Mga ibang napalaya sa ilalim ng GCTA law, nakalabas na ng bansa – Año

Nakalabas na umano ng bansa ang ilan sa mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.

 

Base ito sa mga natanggap na report ni DILG Sec. Eduardo Año.

 

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa interpol para mapabalik sa bansa ang mga convict sa pamamagitan ng extradition.


 

Pero ayon kay Año, walang magagawa ang gobyerno sa mga convict na nagpunta sa mga bansa kung saan walang extradition agreement ang Pilipinas.

Facebook Comments