Mga iba’t ibang senyales ng taong nagloloko

*Minsan *mahirap pagdudahan ang sariling karelasyon. Paano mo malalaman kung nagloloko na ba siya sayo, alamin natin kung ano ang mga senyales ng mga BF o GF pati na rin asawa na *NAGLOLOKO.*

*Nag-iiba ang kilos kapag gumagamit ng telepono*
Nagbabago ang kilos niya tuwing hawak ang kanyang telepono, tuwing may kausap siya ay lumalayo siya sayo, at ang pinakamatindi sa lahat ay may password ang cellphone niya ng hindi mo alam.

*Pagbabago sa estilo ng pananamit*
Kapag nagbabago ang kanyang syle ng pananamit, at napapansin mo na *hindi tugma* ang pananamit niya sa pupuntahan niya, ito ay *maaring* isang senyales ng pagloloko.


Hindi ka niya kayang titigan sa mata
Marami ang nagsasabi na malalaman mo kung nagsisinungaling ang iyong karelsyon kapag hindi siya makatitig sayo ng diretso kapag tinatanong mo ito.

*Kapag kasama niya ang mga barkada niya*
*Paano? *Kapag nag-iinuman sila at biglaan ang pagdating mo sa venue ng inuman ng hindi inaasahan at biglang tatahimik ang lahat at may magtatanong sa isa sa kanilang mga kasama. Example “UY! Naalala mo ba si Charles engineer na pala un.”. nakakapagtaka diba?

*Kung PDA kayo noon bakit hindi na ngayon*
Isang senyales ay ang pagbabago ng ugali niya kapag nasa crowded kayo na lugar, kung dati ay may umaakbay siya, holding hands at iba pang uri ng PDA at biglang nawala *maaring *natatako siya na may makakita sa kanya na may kasama.

*Nakikipagharutan sa iba*
Walang masama sa pakikipagharutan, pero mas nakakaduda kung ang kaharutan niya ay opposite sex niya, at ang harutan nila ay wala na sa lugar at hindi na tama.

Ito ay mga *example* lamang ng mga senyales na ang isang tao ay *Maaring * nagloloko

Ikaw ano pa ba ang mga *senyales* na alam mo ?

Facebook Comments