Mga iFM DJs Tumakbo?!

Hindi dapat utang ang tinatakbuhan subukan mo rin mag Fun Run!!!!

Nakilahok ang iFM Baguio DJs sa ginanap na Merry Go Run kaninang umaga sa Lake Drive, Burnham Park.

Ang inyong mga idol iFM DJs ay hindi nagpahuli at nakipagsabayang tumakbo para sa 5K run category.


Sa dulo ng nasabing event ay pinagtipon tipon nila ang mga lumahok sa run upang sabay sabay na magsaboy ng color powders na nagbigay saya at siya namang pumawi sa pagod ng mga runners.

Ang Merry Go Run “Yuletide Color Run” ay inorganisa ng The Supreme Student Council ng STI College Baguio at ng Live, Laugh, Love Events Planning and Coordination kasama ang 103.9 iFM Baguio bilang official media partner.

Facebook Comments