Mga iFM idol nakisaya sa Asin road !

Baguio,Philippines- Ginunita ang 66th RMN (Radio Mindinao Network ) Anniversary sa Pacday Quinio Elementary School , Asin road. Nagsimula ang programa dakong alas otso ng umaga , Agosto 27 ,2018 . Kasama rito ang 103.9 iFM Baguio DJs na nagsagawa ng Feeding program ,Variety show at Parlor games para sa mga residente ng Asin road .

Pinangunahan nina DJ Coco Martir at DJ Marian Bassit ang programa ng isang warm up at Zumba exercise upang gisingin ang mga panauhin. Sumunod ang pasasalamat ni Antonio Banyera ,station manager ng iFM Baguio sa lahat ng dumating sa Anniversary . At matapos , inumpisahan ang ilan sa mga parlor games na ipinalaro nina DJ Billy Kropek at DJ Marian Bassit sa mga bata , teenagers at mga magulang . Masayang nakilahok ang mga partisipante sa bawat palaro at mas lalong na buo ang kanilang mga ngiti sa libreng feeding program . Muli , itinuloy parin ang parlor games at inabangan ang mensahe ni Punong barangay Jaime Candido .

Humigit kumulang apat na daang katao ang dumalo sa 66th RMN Anniversary at lahat ay nakapag uwi ng mga pa premyo na galing sa ACS producsts at IPI products. Ipinamigay naman nina DJ Yassi Priesco at Moira Diyosa sa mga nanalo sa mga parlor games ang bawat produkto gaya ng Shield bath soap ,Unique tooth paste ,Ethyl Alcohol , Mama’s Love elastic bandage at iba pa.


Mas lalo namang napagaan ang programa sa tulong ng iFM clan members ,SK (Sangguniang Kabataan ) ng barangay Asin road at mga miyemro ng barangay council .

Kaya’t mga idol abangan niyo dahil baka sa barangay ninyo magaganap ang susunod na Annirsary ng RMN !



Facebook Comments