Mga ihahaing impeachment complaint vs. Chief Justice Sereno, tiniyak na aaralin ng husto ng Kamara

Manila, Philippines – Pinayuhan ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang mga naghain ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma Lourdes Sereno na dapat ay may personal knowledge ang mga ito sa kanilang inihahaing reklamo.

Nakita na mismo ni Fariñas ang inihandang impeachment complaint ni Atty Larry Gadon laban kay Sereno at napuna nitong galing sa mga clippings sa dyaryo ang mga reklamo.

Pinayuhan ng kongresista si Gadon na kumuha ng certified true copies ng SALN ng Chief Justice, psychiatric report at ITR mula sa BIR.


Ipinaliwanag din ni Fariñas kay Gadon na kapag may nag endorso na kongresista ay tsaka pa lamang ito mairerefer sa rules committee at sa committee on justice.

Kapag nasa komite, bubusisiin ang impeachment complaint gaya ng ginawang pagbusisi sa inihain dati ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban naman kay Pangulong Duterte.

Kahapon ay hindi na itinuloy ni Gadon ang paghahain dahil humiling ang mga nakausap nya na kongresista na mag i-sponsor sa reklamo na pag aralan munang mabuti ang nilalaman ng reklamo.

Ang VACC naghain din ng impeachment complaint laban kay Sereno pero hindi pa itinuturing na verified complaint dahil wala pang kongresista na nag endorso sa kanilang reklamo.

Facebook Comments