
Mariing babala ang ipinaabot ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez sa mga iligal na gumagawa at nagbebenta ng paputok sa lungsod.
Ito ay kasabay ng isinagawang ceremonial disposal ng mga nakumpiskang iligal na paputok kaninang umaga sa Dagupan City Police Office.
Ayon sa alkalde, naghahanda na ang Sangguniang Panlungsod ng mga panibagong ordinansa upang muling makamit ang zero casualty sa pagsalubong ng Bagong Taon sa lungsod.
Samantala, sinira ng mga awtoridad ang mahigit anim na libong piraso ng nakumpiskang iligal na paputok.
Nagpaalala rin si Dagupan City Police Office Chief Orly Pagaduan na magpapatuloy ang kanilang kampanya kontra sa mga maiingay na muffler, alinsunod sa umiiral na ordinansa sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







