Nahuli sa isinagawang ocular inspection sa mga informal settlers ang mga ilegal na konstruksyon na natagpuang itinatayo sa bahagi ng dike ng Bayambang.
Isinagawa ng BPSO ang ocular inspection na ito sa may dike at dating kinatatayuan ng daanan ng PNR kung saan kasama nilang nag-inspeksyon ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan at mga barangay officials sa mga naturang lugar.
Pito ang nakitang ongoing na mga ipinapatayong ilegal na konstruksyon kung saan walang kinauukulang building permit kaya naman ang mga residente roon ay inabisuhan na itigil ang naturang pagpapatayo ng mga konstruksyon.
Nakasaad sa batas na bawal ang paninirahan at maging pagpapatayo ng bahay sa may bahagi ng dike na sakop ng dalawampung metrong easement zone ng lokal na pamahalaan ng Bayambang.
TESDA TRAINING, BUKAS PARA SA MGA RESIDENTE SA BAYAN NG SAN NICOLAS
Bukas ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa mga residenteng nais kumuha o sumailalim sa TESDA Training na Bread and Pastry Production NC II at Food and Beverages Services II.
Ilan lamang sa requirements na kinakailangang dalhin ay ang Birth Certificate, SF 10 (Form 137) kung High School graduate, Transcript of Records naman kung College Graduate or Undergraduate, at para sa mga married females, kinakailangang dalhin ang Marriage Certificate.
Tumungo lamang sa tanggapan ng Public Employment Service Office O PESO para sumailalim sa validation at screening nang malaman kung kailan makapag-umpisa sa nasabing training.
Patuloy na isinusulong sa bayan ng San Nicolas ang ilang mga programa at proyektong may layong makatulong sa mga residente na magkaroon ng technical education at makahanap ng trabaho.

Facebook Comments