Mga Illegal na Pinutol na Kahoy, Narekober sa San Mariano, Isabela!

*San Mariano Isabela- *Narekober ng PNP San Mariano ang mahigit dalawang libo at limangdaang boardfeet ng iligal na pinutol na kahoy sa Barangay Dicamay, San Mariano, Isabela.

Batay sa nakuhang kaalaman ng 98.5 iFM Cauayan mula kay PMaj. Fedimer Quetevis, hepe ng PNP San Mariano, pasado alas dos ng hapon ngayong araw habang nagsasagawa ng anti illegal logging operation ang kanyang tropa sa lugar ay kanilang nadiskubre ang abandonadong mga illegal na kahoy sa isang bakanteng lote malapit sa Pinacanauan River na nasasakupan ng nabanggit na barangay.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang kapulisan upang matukoy ang nagmamay-ari sa mga kahoy.


Samantala, nakatakdang dalhin sa himpilan ng pulisya ang mga nabanggit na mga kahoy at nakatakdang makipag-ugnayan ang PNP sa tanggapan ng DENR para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments