Mga Illegal na Troso, Nasamsam!

Santiago City, Isabela- Nakumpiska ang mahigit isang daang piraso ng mga illegal na pinutol na kahoy alas onse kaininang umaga, Enero 8, 2018 sa Purok 7, Dubinan West, Santiago City.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ng PNP Station 2, may isang residente ang lumapit at nagbigay impormasyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may nakitang pira-pirasong troso sa purok 7 ng Dubinan West, Santiago City.

Agad tinungo ng kapulisan at DENR, at Community Environment Natural Resources (CENRO) ang naturang lugar sa pangungunana ni Forester III Rodrigo Cayaban at nakita ang ibat-ibang uri ng mga pinutol na kahoy.


Kinilala ang may-ari ng mga kahoy na si ni Leonardo Bruno, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Diffun, Quirino, Isabela.

Walang maipakitang permit si Bruno dahilan upang samsamin ang labing anim na piraso ng Mayapis na may habang 111 board feet o 0.26 cubic meter, 81 piraso ng Gmelina na may habang 909 board feet o 2.14 cubic meter, siyam na pirasong Acasia na may habang 102 board feet o 0.24 cubic meter at isang Circular table.

Iimbistigahan pa ng PNP Station 2 at DENR ang nasabing pamumutol at inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal Logging laban kay Bruno.

Facebook Comments