Mga illegal recruiters na nangangako ng trabaho sa New Zealand – arestado

Manila, Philippines – Apat na illegal recruiters ang arestado ng Criminal Investigation and Detection Group sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng CIDG NCR at CIDG ATCU.

Nakilala ang mga suspek na sina Remigio Mariano Jr., na naaresto sa Pasay; Julieta Lipit at Shiela Marie Amil, na pawang naaresto sa Malate, Maynila; at Mary Keith Velasco, na naaresto sa Gilmore Ave. sa Quezon City.

Modus ng mga suspek na mangako sa mga aplikante na trabaho sa Malaysia, New Zealand at Paris, France at humihingi ng pinakamababa na P90,000 na placement fee pa lamang.


Nabatid na ang mga biktima ng mga suspek ay pinag-training pa sa isang dairy farm sa Baguio sa loob ng isang buwan para mag-gatas ng baka sa paniwalang makakapag-trabaho sila sa farm sa New Zealand.

Labing apat ang kabuuang bilang ng mga suspek na pinaghahanap ng CIDG sa kanilang Oplan Pagsisikap, kung saan nauna nang naaresto ang labing isa na nakasuhan na at nadagdag ang apat na suspek na pinakabagong naaresto.
Nation”

Facebook Comments