Pang-apat na sunod na panalo – nasungkit ng Altanta Hawks

16

NBA – Nasa apat na sunod na ang panalo ng Altanta Hawks para hawakan ang ikalimang puwesto sa Eastern Conference bago ang playoffs.

Ito ay matapos na tambakan ng 27 points ang Charlotte Hornets sa score na 103-76.

Nanguna sa kampanya ng Hawks si Dwight Howard na may 19 points at 12 rebounds.

Kumpiyansa ang Hawks (43-38) sa next round lalo na at bago ang game nila kanina ay itinumba rin nila ang top teams na Celtics at Cavs.

Lahat ng 13 players ng Hawks ay tumulong sa scoring department habang pinahinga ang kanilang mga starters sa second half.
Nation”

Facebook Comments