Pinangunahan ni Assistant Secretary Abad Santos, administrator ng Cooperative Development Authority ang pag-asiste sa mga imbentor para maging entrepreneur.
Inamyendahan ang Constitution and by-laws ng Filipino Inventors Society Producers Cooperative.
Ito’y bilang pagpapanibagong anyo nito mula sa pagiging tagalikha ng produkto patungong pagiging Multi-Purpose Cooperative.
Ayon kay ASEC Abad Santos, sa pamamagitan nito, lahat ng mga imbensiyon ng mga Pilipinong imbentor ay maari nang maka avail ng financial support at maka access ng Grant o loan sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST).
Kabilang sa mga maaring makapag-avail nito ay ang hydrogen electronic reactor na imbensyon ni Charlie Nam na sagot sa magastos na presyo ng fuel at sa pangangailangan ng enviroment friendly.
Gayundin ang imbentor urban rescue boat na may mataas na safety standards.
Sinabi naman ni ASEC Epimaco Densing ng DILG na pakikiusapan niya ang mga LGUs na luwagan ang napakahigpit na rekisitos sa kanilang pagtatayo ng negosyo.