Marikina City Government lumagda ng Memorandum of Understanding para Fire Square Road Show

38

Naniniwala si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, na malaking maitutulong sa mga estudyante ang nilagdaan nilang Memorandum of Understanding tungkol sa Fire Square Road Show sa lungsod.

Nilagdaan nina Mayor Teodoro, Bureau of Fire Protection National Capital Region o BFP-NCR Chief superintendent Rico Neil Kwan Tiu, at Sheryll Gayota, DepEd-Marikina’s OIC Division superintendent ang Memorandum Understanding para sa Fire Square Road Show an layong ma-educate ang mga estudyante tungkol sa fire prevention.


Paliwanag ng alkalde dahil sa kanilang nilgdaang MOU, gagawin na nila ang naturang aktibidad buwan buwan sa Lungsod ng Marikina.

Giit Teodoro, matututo ang mga estudyante kung papaano makaiwas sa sunog at kung ano ang gagawin sakaling magkakaroon ng sunog sa kanilang lugar.

Facebook Comments