Mga imbestigador ng PNP na mababasura ang kaso dahil sa hindi maayos na imbestigasyon, matatanggal sa serbisyo

Binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBGen. Vicente Danao na tatanggalin sa serbisyo ang mga police investigators na may kasong mababasura dahil sa “bungled evidence” o hindi maayos na ebidensya.

Ginawa ni Danao ang babala matapos ang Simultaneous Opening Ceremony ng Criminal Investigation Course sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon.

Layunin ng Criminal Investigation Course na mapahusay ang kakayahan ng mga pulis sa imbestigasyon, sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga “fundamentals” at pinaka-bagong mga “techniques” sa pag-iimbestiga.


Mahigpit ang bilin ni Danao sa mga kalahok sa pagsasanay na gamitin nang maayos ang kanilang matututunan dahil nakasalalay sa imbestigador ang kahihinatnan ng kaso, kung ito ay air-tight o sadyang pina-dismiss.

Facebook Comments