Mga imported na sibuyas, mabibili na sa ilang palengke sa Metro Manila

Ipinakalat na sa ilang palengke sa Metro Manila ang mga inangkat na sibuyas mula sa China.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ilan sa mga palengke na nagtitinda na ng imported sibuyas ang Commonwealth Market, at Mega Q Mart sa Quezon City, Guadalupe Market, Las Piñas Market, Malabon Market, Marikina Market, Pasay Market at Pasig Market.

Kapansin-pansin namang mas malalaki ang hugis at mas makinis ang mga imported na sibuyas kumpara sa lokal na sibuyas.


Naglalaro rin sa P180 hanggang P200 ang kada kilo ng imported na sibuyas na mas mura kumpara sa lokal na sibuyas na nasa P220 hanggang P320 pa ang presyo kada kilo.

Magkaroon ng stakeholders meeting ang DA sa susunod na linggo upang talakayin ang umiiral na presyuhan ng sibuyas sa mga pamilihan.

Facebook Comments