COMELEC, muling umapela sa publiko na magparehistro na

Nakiusap si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia sa publiko na magparehistro na dahil sa katapusan na ng buwan ang deadline nito o sa darating na Martes.

Tiniyak ni Garcia na sagot ng poll body ang mga magpaparehistro at siniguro nito na magiging mabilis ang proseso ng pagpapatala.

Nanindigan din ang COMELEC na walang extension sa deadline ng voter registration.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1.5 million ang mga bagong botante sa bansa.

Ito ay dagdag sa mahigit 91 million na registered voters nitong 2022.

Facebook Comments