Mga inaresto ng PNP dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban, umabot na sa mahigit 6,000

Umakyat na sa 6,302 mga indibidwal ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police na nagdadala at nag iingat ng mga ipinagbabawal na baril ngayong umiiral pa rin ng election period.

 

Ito ang iniulat ni PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, 1 araw bago matapos nang tuluyan ang Comelec gun ban.

 

Ayon kay Banac, 103 sa mga ito ay mga security guard, 45 ay PNP personel, 25 ang militar, 92 local officials at 90 iba pa ang law enforcement agencies.


 

Umabot naman sa 6,259 mga baril nasamsam at narekober ng PNP sa ibat ibang panig ng bansa.

 

Ang election period ay nagsimula noon January 13 at magtatagal hanggang bukas June 12.

Facebook Comments