Manila, Philippines – Takot at pangamba ang nangingibabaw sa damdamin ng mga Indian National na naninirahan sa Mabini Street Ermita Manila matapos mabalitaan na dalawang kababayan nila ang napatay sa engkwentro sa Imus City Cavite.
Ayon kay Hari Patuar isang Indian National hindi na niya malaman kung sino na kakampi sa kanila dahil takot ang nangingibabaw sa kanila matapos mapatay ng PNP Anti-Kidnapping Group ang dalawang Indian na miyembro ng Kidnap for Ransom Group na kahapon ng madaling araw matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP- AKG.
Kinilalang ang mga nasawi na sina Pardeep Kumar at Honey Singh alyas honey Delo kapwa Indian Nationals.
Napag-alaman na dakong alas 3:05 ng madaling araw kahapon sakay ng motorsiklo ang dalawa ng makipagbarilan sa mga pulis dahilan ng kanilang agaran kamatayan sa bahagi ng Palanas Road, Anabu 1G, Imus City, Cavite
Ayon kay PNP AKG Chief Police Sr Supt Glen Dumlao ang pagkakapatay sa dalawa ay dahil sa kanilang ginawang pagdukot sa isang Lalit Kumar ng Dasmarinas Cavite noong Sept. 3, 2017
Pero kahapon nakumpirma ng PNP na pinatay ng mga suspek ang biktimang si Kumar.
Pangamba ngayon ng mga Indian National sa Manila hindi nila alam kung totoo nga miyembro ng Kidnap for Ransom Group ang kanilang kababayan napatay o pakana lamang ito ng mga pulis.