Kudeta, malabong mangyari ayon kay Defense Secretary Lorenzana

58

Manila, Philippines – Walang nakikitang banta ng kudeta si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ito ang inihayag ng kalihim sa harap narin ng balita na mayroon umanong kilalang pulitiko na nagre-recruit ng mga miyembro ng PMA Class of 2006 para maglunsad ng kudeta na isiniwalat umano ni retired General Joey Kakilala.
Ayon kay Lorenzana sa Mindanao hour sa Malacañang, inaalam na niya kay Kakilala ang nasabing usapin pero batay aniya sa kanilang obserbasyon ay wala namang banta ng kudeta mula sa hanay ng mga sundalo.
Paliwanag ni Lorenzana, walang opisyal ng AFP ang dismayado sa administrasyon at lahat naman ng mga pangangailangan ng mga sundalo ay natutugunan.
Dahil aniya dito ay wala silang nakikitang indikasyon na mag-aaklas o lalaban sa administrasyon ang mga sundalo.

Facebook Comments