MGA INDIBIDWAL NA APEKTADO NG GRANULAR LOCKDOWN SA ILOCOS REGION, UMABOT NA SA 453

Nangunguna ngayon ang Ilocos Region sa buong bansa na may pinakamaraming indibidwal na apektado ng granular lockdown ayon sa Philippine National Police monitoring center.

Base sa report ng kagawaran ang mga indibidwal ay mula sa 222 household sa 94 na barangay sa region 1 na apektado ng granular lockdown.

Nagtalaga din ang PNP ng 166 na personnel nito sa mga lugar na apektado ng ipinatutupad na alituntunin.

Ang lahat ng probinsiya sa Region 1 ay nakasailalim na sa Alert Level 3 dahil sa pagtaas ng aktibong kao ng COVID-19 dito.

Patuloy naman ang paalala ng pulisya na sumusunod sa umiiral na health protocols upang maiwasan ang pagdami ng nakakahawang sakit sa Ilocos Region. | ifmnews

Facebook Comments