Mga indibidwal na apektado ng pag-putok ng Bulkang Taal, pumalo na sa mahigit apatnapung libo, DOH

Umakyat na sa 9, 779 na mga pamilya ang naapektuhan ng pag-putok ng bulkang taal o katumbas ng 40, 126 na indibidwal ayon sa Department of Health (DOH).

Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni DOH undersecretary Eric Domingo na sa mga biktima, umabot sa isang-daan at lima ang dinala sa mga pagamutan sa Batangas, Tagaytay at Metro Manila.

Bagamat karamihan sa mga ito ay na-discharge na, labing anim naman ang nananatili pa sa hospital.


Kadalasang sakit ng mga pasyente ang hypertension, pulmonary complaints gaya ng ubo, sipon at hika, at ang pagkakaroon ng lagnat.

Sa kasalukuyan, 5.4 million pesos na halaga na ng commodities at mga gamot para sa mga pasyente ang naipamahagi ng DOH.

Facebook Comments