Mga indibidwal na fully vaccinated, tanging papayagan sa loob ng indoor na pasyalan – DOT

Hinikayat ng Department of Tourism (DOT) ang publiko na magpabakuna na para walang maging aberya sa kanilang pamamasyal at biyahe ngayong nagbukas na ang turismo sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bagama’t halos wala ng paghihigpit sa protocols, ang papayagan lamang nila sa indoor na mga pasyalan ay ang mga nakakumpleto na ng bakuna.

Aniya, ngayong nasa Alert Level 1 na ang maraming lugar sa bansa, asahan ng dadagdasa ang mga lokal na turista kaya mahalaga ang bakuna para sa kanilang proteksyon.


Nilinaw naman ni Puyat na may mga lugar naman na pinapayagan ang mga batang hindi pa vaccinated basta ang kasama nilang magulang ay bakunado na laban sa COVID-19.

Facebook Comments