DILG, nilinaw na hindi required ang vaccination card sa ilalim ng Alert Level 1

325

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi na required ang vaccination card para makapasok sa mga mall sa ilalim ng Alert Level 1.

Paliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang vaccination card ay kailangan lamang sa bahagi ng mall na pasok sa closed, crowded, at close contact o 3Cs.

Aniya, pag-uusapan ng DILG ang bagay na ito sa mga Local Government Unit (LGU).


Sa kabila nito, sinabi ni Malaya na walang mali ang mga mall na hihingin pa rin ang vaccination card sa mismong entrance.

Simula Marso 1 hanggang Marso 15 ang National Capital Region at 37 iba pang lugar ay ibinaba na sa Alert Level 1.

Facebook Comments