Mga indibidwal na inilikas sa Luzon dahil sa Bagyong Karding, umabot sa higit 74,000 – DILG

Tinatayang nasa 74,542 katao sa Luzon ang inilikas dahil sa Bagyong Karding.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) ito ay katumbas ng 19,368 pamilya mula sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Region.

Inihayag din ni Abalos ang ilan sa mga lugar na matinding tinamaan ng Bagyong Karding.


Partikular dito ang lalawigan ng Aurora kung saan 25,000 residente ang inilikas mula sa mga bayan ng Baler, Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dingalan, at Dipaculao; habang nasa mahigit 7,000 residenteng nakatira malapit sa mga dam ng Bulacan ang lumikas din sa kanilang mga tahanan.

Samantala, nauna nang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na nasa 1,208 pamilya na o 4,616 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo at karamihan dito ay mula sa Metro Manila.

Facebook Comments