Mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19, posible pang mahawa sa sakit ayon sa FDA

Nagbabala sa publiko si Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo sa posibleng epekto ng bakuna kontra COVID-19 matapos itong maiturok sa isang indibidwal.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang 47-anyos na health worker matapos mabakunahan kung saan una nang iginiit ng FDA na COVID-19 ang ikinamatay nito at hindi ang bakuna ng Sinovac na itinurok sa kaniya.

Ayon kay Domingo, kailangang maitatak sa isip ng publiko na kapag nabakunahan na ay mataas pa rin ang tiyansa na mahawa sa COVID-19.


Ito ay dahil sa loob ng isang linggong pagkakatanggap ng bakuna, kailangan pa ng katawan ng panahon upang ma-develop ang gamot.

Pinayuhan naman ni Domingo ang mga tumanggap na ng bakuna na huwag munang magpakampante dahil nandiyan pa rin ang posibilidad ng pagkahawa sa sakit.

Sa ngayon, tiniyak ng Department of Health (DOH) na magpapatuloy pa rin ang National COVID-19 immunization sa kabila ng pagkamatay ng isang health workers dahil sa COVID-19.

Paliwanag ni Dr. Beverly Ho, Director IV ng DOH-Health Promotion Bureau, hindi ang COVID-19 ang rason ng pagkamatay ng health worker kaya hindi dapat mangamba rito.

Sa ngayon, as of March 16, nasa 240,297 na ang mga health workers na nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments