Hindi dapat i-require ng mga employer sa bansa na mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga indibidwal na nais mag-apply ng trabaho.
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna ng unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya.
Ayon kay Vergeire, bagama’t mahalaga ang COVID-19 vaccine ay mananatili naman itong voluntary para sa mga gustong magpabakuna at hindi aniya pwedeng gawing requirement sa mga nais magtrabaho.
Nabatid na ilang negosyante sa bansa ang nagpanukala na mag-implementa ng vaccine pass sa mga nakatanggap na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine na pwedeng gamitin bilang special permits.
Facebook Comments