Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na ipagbigay-alam pa rin sa Department of Health (DOH) sakaling makaramdam ng adverse events mula ng mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kahit umabot ng anim na buwan o hanggang isang taon bago makaranas ng epekto ng bakuna ang isang indibidwal ay dapat pa rin itong ipabatid sa kinauukulan.
Ito ay para maitala at mapag-aralan ng maayos ng mga eksperto ang dahilan ng mga nararanasang epekto ng bakuna.
Ilan sa mga adverse event na posibleng maranasan matapos mabakunahan ay ang; pagbaba ng platelets count, madalas na pananakit ng ulo at pagtaas ng blood pressure.
Sa ngayon, pagtitiyak ni Domingo na mababa sa isang porsyento ang mga ulat na mayroon silang naramdamang kakaibang epekto matapos mabakunahan kontra COVID-19.