OWWA, may payo sa mga OFW na balak magtungo sa Israel

Pinayuhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais magtungo sa Israel.

Ito ay matapos bawiin na ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang temporary suspension ng deployment ng mga OFW sa nasabing bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, sinabi nito na may mga idinagdag na panuntunan para sa mga Pilipinong tutungo sa Israel na kasama sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga recruitment agency.


Hindi naman tiyak ni Cacdac kung mayroong panuntunang sinusunod kung may mga bakunang required para sa mga dayuhang papasok sa Israel.

Sa ngayon, posibleng umabot sa 3,000 OFWs ang magtutungo sa Israel matapos alisin ang suspensiyon ng deployment.

Kabilang sa mga ito ang caregivers, hotel workers at farm workers na maituturing na may pinakamataas na demand.

Facebook Comments