Mga indibidwal na nakatanggap ng 2 dose ng COVID-19 vaccines, kailangan pa rin ng booster shots ayon sa eksperto

Inihayag ng ilang eksperto na bukod sa 2 doses ng COVID-19 vaccines, kailangan ng publiko ng booster shots ng bakuna.

Ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) for COVID-19 Head Dr. Nina Gloriani, ito ay para magkaroon ng karagdagang proteksyon ang katawan laban sa iba pang umuubos na Coronavirus variants.

Paliwanag pa ni National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) head Dr. Lulu Bravo, ang COVID-19 vaccines ay magiging katulad ng flu vaccines na taon-taon ibinibigay.


Facebook Comments