Bumaba ang bilang ng mga indibidwal na sumusunod sa health protocols sa Visayas at Mindanao.
Ito ang lumabas sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan tila nagiging kampante na ang mga nasa Visayas at Mindanao ngayon kumpara noong nakaraang taon.
Lumalabas na 72 percent na lamang ngayon sa Visayas ang nagsusuot palagi ng face mask kapag lalabas ng bahay habang 64 percent naman sa Mindanao.
35 percent naman sa Visayas ang nagsasabing nagsusuot sila ng face shield at 43 percent ang naitala sa Mindanao.
Sa kabila nito, tumaas naman ang compliance ng mga taga-Luzon at Metro Manila na mayroong 80 percent at 78 percent.
Facebook Comments