Manila, Philippines-Tatanggalin ng MMDA at Local Government Units ang mga informal settlers na nagiging sagabal sa mga bumbero, ambulansya, at iba pang responde sa mga emergency.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) NCR Director, Sr/Supt. Wilberto Kwan Tiu – maglalabas din sila ng listahan ang kung aling mga barangay sa Metro Manila ang lilinisin para permanenteng magamit ang mga daan kapag may emergency.
Aminado si Kwan Tiu na pahirapan ang pag-alis sa mga informal settlers.
Sinabi naman ni MMDA General Manager Tim Orbos – tutulong sila sa clearing operations.
Sisiguruhin ding 2.5 hanggang 3 meters ang daan kung saan kasya ang mga ambulansya, pulis patrol o bumbero.
Kapag may lumabag kung saan mayroon anumang obstruction ay maaring pagmultahin ng 12 libong piso.