MGA INFORMAL SETTLERS SA BAYAN NG LINGAYEN, PANGAMBA ANG MAWAWALANG TIRAHIN; LOKAL NA PAMAHALAAN NG BAYAN, TINIYAK LILIPATANG LUGAR NG MGA ITO

Ipinaabot ng mga informal settlers o mga taong nakatira sa mga lupang pagmamay-ari ng ibang tao, pribadong kumpanya o gobyerno ang kanilang hinaing sa lokal na pamahalaan ng Lingayen kaugnay sa pangamba nilang mawawalan ng tirahan kapag sila ay tuluyang papaalisin na.
Sa naganap na media conference ng KBP Pangasinan, nilinaw ni Mayor Leopoldo Bataoil, ang alkalde ng Lingayen na hindi ura-urada umano ang pagpapaalis sa mga informal settlers sa bayan dahil naiintindihan niya ang mga ito at bilang nasasakupan niya ay tiniyak ang pagkakaroon ng isang maayos at ligtas na lugar sa kanilang paglilipatan.
Ani ni Mayor Bataoil, sisiguruhin muna ng kanyang tanggapan na ang sunod na titirahan ng mga residente ay may matibay na pundasyon lalo na at napapanahon ngayon ang pagdaan ng kalamidad sa bansa at matatandaan din na isinailalim ang bayan sa State of Calamity dahilan na lahat ng talumpo’t dalawang barangay ay apektado ng naranasang matinding pagbaha.

Samantala, dagdag pa ng alkalde na mithiin din nitong personal na makausap ang mga informal settlers ng bayan upang sila ay mas mapaliwanagan at mabigyan ng karapat dapat na solusyon ang kanilang kinakaharap ng problema. |ifmnews
Facebook Comments