MGA INFRASTRUCTURE PROJECTS SA MGA BARANGAY SA BAYAN NG BAYAMBANG, PINAG-USAPAN

Pinag-usapan sa isinagawang meeting ng Municipal Development Council (MDC) ang mga ibat ibang infrastructure projects sa mga barangay sa bayan ng Bayambang.
Tinalakay rito ang kalagayan ng mga proyektong kasalukuyang isinasagawa sa mga barangay sa naturang bayan tulad na lamang ng multi-purpose covered court, health center, barangay outpost, solar street lights at iba pa.
Ang mga proyektong ito ay sa ilalim ng dalawampung porsyento ng development fund ng LGU base naman sa Annual Investment Plan 2022 na niratipikahan ng konseho.
Pinag-usapan rin ang ilan pang proyektong paglipat sa lokasyon ng planong konstruksyon at paglalagay ng mga solar street lights sa Zone III sa Buayaen at ang natitira namang pondo ay para sa pagpapatayo ng outpost na mapupunta sa Brgy. Mangayao.
Nagbigay naman ng katiyakan ang alkalde ng bayan ng Bayambang na sila ay handang tumugon sa mga anumang isyu o problemang isasangguni ng bawat barangay at sisiguraduhin na mabibigyan nila ito ng agarang solusyon.
Facebook Comments