Pinag-iingat ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko na huwag tangkilikin ang murang alok na karne sa mga pamilihan o sa online selling platforms.
Ito’y sa gitna ng nakakaranas na mataas na presyo ng karne ng baboy at manok sa merkado.
Ayon kay NMIS Officer-in-Charge Dr.Jocelyn Salvador, posible umanong hot meat o hindi na ligtas sa human consumption ang mga meat products na inaalok ng murang presyo.
Ani Salvador, ang mga hot meat ay hindi dumaan sa inspection ng NMIS meat inspectors at walang tamang documentation.
Payo ni Salvador sa mga consumers na parating tingnan kung may meat inspection certificate ang mga panindang karne, ito man ay bagong katay o imported products.
Facebook Comments