Aminado ang Manila International Airport Authority (MIAA) na pumabor ang mga inilatag nilang plano para sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 at Undas.
Ayon kay MIAA Senior Assistant General Manager at officer in charge Bryan Co, masaya sila sa resulta ng kanilang plano at projection dahil sa on-time performance ng flights noong November 1.
Aniya, naitala kasi ng paliparan ang 88% sa 800 flights sa kabila ng pagbuhos at pagkakaroon ng madaming bilang ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) katuwang ang mga airline company sa record ng mga flight sa bawat araw.
Samantala, umaasa ang MIAA na magtutuloy-tuloy ang ang on time performance ng flights at mabigyan ng maayos at litgas na biyahe ang pasahero domestic o international flights man.