Nananatili pa rin ngayon sa evacuation centers ng Muntinlupa ang 1,442 na pamilya na inilikas ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (MCDDRM) kahapon matapos manalasa ang Bagyong Rolly.
Batay sa tala ng MCDDRM, ang nasabing bilang na pamilya ay kinabibilingan ng 6,261 na mga indibiduwal na nakitira malapit sa kahabaan ng Laguna de Bay at sa mga low-lying areas o mga bahain na lugar ng naturang lungsod.
Sa kabuuan, 20 mga evacuation centers na itinalaga ng pamahalaang lokal na nakapwesto sa siyam na barangay nito.
Sa Barangay Cupang, Tunasan, Putatan, Sucat ay mayroong tig-dalawang evacuation center, tatlo sa Brgy. Alabang, apat sa Brgy. Buli at lima sa Brgy. Poblacion.
Mayroon namang isang evacuation Center sa Brgy. Bayanan.
Binigyan naman ng tig-isang modular tents ang bawat pamilyang inilikas at mayroon ding ipinamahaging ng mga relief goods ang pamahalaang lungsod.