Mga inisyatiba ng gobyerno laban sa anti-momo challenge , pinalawak pa

Manila, Philippines – Mas pinalalakas pa ng gobyerno ang mga inisyatiba nito para sa kaligtasan ng mga banta laban sa pagkakalantad sa mapanganib na online contents at activities.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio, nagpulong na ang Committee for the Special Protection of Children at ang National Telecommunications (NTC) para tiyakin na hindi na lumaganap pa ang “momo challenge”, ang viral online suicide challenge.

Sa panig ng NTC, inatasan nito ang mga internet service providers na agad i-block ang reported URLs na may kaugnayan sa ‘momo challenge.’


Maari din na tawagan ng publiko ang PNP hotline 414-1560 o magsumbong sa pinakamalapit na Regional Anti-Cybercrime Unit o police station.

Maari din magparating ng sumbong ang publiko sa consumer@ntc.gov.ph

Nagtutulungan na rin ang mga government agencies para palakasin ang information campaigns on digital parenting.

Facebook Comments