Planong makipag-partner ng Office of the Vice President (OVP) sa ilang medical at nursing schools para itaas ang bilang ng vaccinators sa Pilipinas.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, binigyang diin ni Robredo na kailangang magsanay pa ng mas maraming vaccinators lalo na at may ilang lokal na pamahalaan ang nakararanas ng understaffing o kulang sa mga tagabakuna sa vaccination sites.
Dagdag pa ni Robredo, hindi sapat para kunin ang mga registered nurses at doctors na mas kailangan ng mga ospital.
Nanawagan ang bise presidente sa mga vaccine recipients na magtungo na sa vaccination sites at magpaturok ng kanilang second dose.
Facebook Comments