Mga inutang ng bansa, tiniyak na gagamitin sa tama ng gobyerno – Palasyo

Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na gagamitin sa angkop at epektibong paraan ang mga inutang ng Pilipinas mula sa loob at labas ng bansa.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar makaraang i-ulat ng Bureau of Treasury na nasa ₱12.68 trillion ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Marso, ngayong taon.

Ayon sa kalihim, ang mga pondo na hiniram ng bansa ay nakalaan para sa nagpapatuloy na COVID-19 response.


Ito rin aniya ang gagamitin para sa recovery at pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa, lalo’t kailangan aniya na maipagpatuloy ang pangmatagalang socioeconomic growth and development ng Pilipinas.

Facebook Comments