Senatorial candidate at dating Defense Sec. Gibo Teodoro, malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bansa ayon kay Pangulong Duterte

21

Malaki ang maitutulong ni senatorial candidate at dating Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pag-unlad ng bansa.

Ganito ilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teodoro dahil sa kaniyang mga adbokasiya na makapagsasaayos ng serbisyo ng gobyerno at pagbibigay ng trabaho at kabuhayan.

Naniniwala ang Pangulong Duterte na pasisiglahin ni Gibo ang Senado kapag nanalo sa darating na halalan sa Mayo 9.


Sabi ng Pangulo, ang experience ni Gibo sa public at private sectors ay malaking bagay para sa pagsisilbi sa mga Pilipino.

Ipinunto rin ni Pangulong Duterte ang talino at kakayanan ni Gibo pagdating sa mga batas bilang Bar topnotcher noong 1989 at ang pagiging kahilim ng Department of National Defense.

Facebook Comments