Mga investors, maganda ang pagtanggap kay Pangulong Duterte sa World Economic Forum

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ni TransportationSecretary Arthur Tugade na nadaragdagan na ang tiwala ng mga investors sa Pilipinasdahil sa kanilang isinusulong na Dutertenomics kung saan nakapaloob ang mgainfrastructure projects ng pamahalaan.
  Sinabi ni Tugade na sa naganap na bilateral meeting sapagitan ng pamahalaan at may ari ng Air Asia na si Tony Fernandez, sinabi ni Tugadena handa si Fernandez na palawakin pa ang operasyon ng Air Asia sa Pilipinas.
  Sinabi pa aniya ni Fernandez na kung papayagan ng batasay handa din siyang tumulong sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga airports sabansa.
  Patunay aniya ito na mainit ang pagtanggap ng mganegosyante sa mga economic projects ng administrasyon at nakikita ang pangulohindi lang sa pagsugpo sa krimenalidad at katiwalian lalo na sa iligal na drogakung di sa mga isinusulong nitong proyektong pang ekonomiya.

Facebook Comments