Hindi raw sapat ang dalawang buwan na kompensasyon at iba ang benefits na ibibigay sa 500 Pilipino crew ng Diamond Princess Cruise Ship na na- exposed sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Hinimok ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) President at Party-list Representative Raymond Mendoza ang Shipowners, Cruise operators at kanyang Local Manning Agency sa bansa na maging patas at makatarungan sa kanilang mga manggagawa.
Nanawagan sila na gawing transparent ang kanilang obligasyon sa mga Pinoy crew lalo na sa mga naging infected at na exposed sa nakakamatay na virus.
Bukod sa two-month paid time off, ipinangako din ng ship operators na magbigay pa ng extra pay kung makapagdesisyon ang mga crew na bumalik sa trabaho, pagbayad sa lahat ng expenses habang sila ay nasa quarantine period,pag ako sa pasahe sa kanilang flights pauwi ng bansa at bagong employment contract.
Paliwanag pa ni Mendoza, kung pagbabasehan ang General Labor Standards and Occupational Safety and Health Standards for Sea-Based Workers, kailangang bayaran ng Diamond Princess operators ang unexpired at hindi tapos na employment contracts ng infected at uninfected crew.
Lahat ng Pinoy crew, ito man ay infected at hindi ng COVID-19, ay entitled sa minimum 130-day sick pay compensation, paid quarantine period, at medicine at hospitalization expenses mula sa Yokohama at sa New Clark City Quarantine facilities.
Hindi daw dapat flights lamang ang bayaran ng may ari at operators ng Diamond Princess kungdi pati na ang expenses ng buong Repatriation process ng mga workers mula Yokohama hanggang New Clark City.