Mga ipis, nagiging immune na sa insecticides

Nag-a-adapt at nagiging immune na ang mga ipis sa ilang uri ng insecticides.

Base sa pag-aaral ni Michael Scharf mula Purdue University sa Indiana, USA – ang German cockroaches ay exposed sa iba’t-ibang insecticides na nagbibigay sa kanila ng resistance sa mga ito.

Kaya ang pagkontrol sa mga ipis ay halos imposible na sa pamamagitan ng mga kemikal.


Lumalabas din sa pag-aaral na ang mga super-immune na insekto o peste ay maaaring ipasa ang kanilang resistance sa kanilang magiging anak at makabuo ng populasyon ng mga insektong “insecticide-proof” o hindi na tinatablan ng insecticide.

Facebook Comments