Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-report kaagad kung may makikita silang insidente ng indiscriminate firing lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sabi ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar, bukod sa pagiging alisto ng publiko ay mas maraming kawani ng pulisya ang ipadadala sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng indiscriminate firing noong mga nakalipas na taon.
Samantala, umapela naman si PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa mga gun owner na huwag nang gamitin ang kanilang mga baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Hindi na rin aniya si-selyuhan ang nguso ng mga baril ng mga pulis para maipakita na responsable ang mga ito.
Pero nagbabala naman si Albayalde na mahaharap sa parusa ang sinumang pulis na mahuhuling iligal na nagpapaputok ng kanyang baril.