Mga iresponsableng pahayag para mawalan ng tiwala ang publiko sa immunization program ng gobyerno, dapat itigil na – VP Robredo

Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na itigil na ang mga iresponsableng pahayag para magdulot ng takot at pangamba ang publiko sa pagpapabakuna.

Ito ay kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng mga nagkakaroon ng tigdas sa Metro Manila.

Ayon kay Robredo – pilit lamang na pinapababa nito ang reputasyon ng gobyerno na nais na protektahan ang kalusugan ng mga bata.


Nawawala rin aniya ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna na pangontra sana sa ilang sakit.

Iginiit din ni Robredo – hindi rin dapat ito hinahaluan ng pulitika dahil nababahiran ng pagdududa iyong effectivity ng isang bagay na matagal ng na-test.

Facebook Comments