Land conversion, nat’l ID system at immunization program – tinalakay ni PRRD at kanyang gabinete

Manila, Philippines – Nagsagawa ng cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon para talakayin ang ilang isyu sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – ang meeting ay nakatuon sa isyu ng land conversion, common tower, national ID system at update sa immunization program ng Department of Health (DOH).

Kabilang din aniya sa agenda, kung paano mapapadali ang proseso sa Department of Agrarian Reform (DAR) partikular sa pag-access ng mga magsasaka at mangingisda sa credit at loan facilities.


Nabatid na hindi nakadalo ang Pangulo sa isang event sa Leyte nitong nakaraang Biyernes, February 1 dahil hindi mabuti ang kanyang pakiramdam.

Facebook Comments