MGA IRESPONSABLENG QUARRYING OPERATORS SA SAN MATEO, ISABELA, BILANG NA ANG MGA ARAW!

Cauayan City, Isabela – Kasabay ng pagkapasa sa quarrying ordinance sa bayan ng San Mateo, Isabela ay nagbabala ni SB Member Jonathan “Neil” Galapon sa mga mapang abusong quarrying operators.

Ayon kay SB member Galapon na siya ring may akda ng nasabing ordinansa, mahigpit nilang babantayan ang lahat ng quarrying activities sa kanilang bayan.

Dagdag pa nito na kahit provincial imposition ang pagbabayad ng tax ay responsibilidad nilang pangalagaan ang ilog na nasasakupan ng kanilang bayan na umaabot sa 15 kilometro.


Nakapaloob sa ordinansang sinuportahan iba pang SB members, 1,000 ang penalty sa unang paglabag habang 2000 sa 2nd offense at kapag umabot sa pangatlong paglabag ay kakanselahin na ang mayor’s permit na ibinibigay sa lahat ng operators.

Idinagdag pa ni Galapon na responsibilidad ng mga quarrying operators na ayusin ang kanilang mga pinagkuhanan ng buhangin o bato bago nila ito iwanan.

Nanawagan si SB Galapon sa lahat ng mamamayang nasasakupan ng kanilang ilog na magkaisang bantayan ang lahat ng quarrying operations sa kanilang bayan para masigurong susunod sa alituntunin ang mga ito.

Target ng pamahalaang bayan ng San Mateo na makalikom ng 10 hanggang 15 milyong piso sa loob ng taon na malayo sa kasalukuyang isang daang libong pisong kinikita ng kanilang bayan.

Facebook Comments