Mga Isabelino, Pinaalalahanan na Iwasan ang Magarbong Christmas Celebration

Cauayan City, Isabela – Idinaan ng lokal na pamahalaang Panlalawigan sa isang resolusyon ang panawagan nitong iwasan ang magarbong pagdiriwang ngayong kapaskuhan.

Nagkakaisa ang labing siyam (19) na kasapi ng Sanguniang Panlalawigan na pinamumunuan ni Vice Gov Faustino Bojie Dy III sa pagpasa sa resolution no. 2020-43-6.

Ginawang batayan sa pagpasa sa resolusyon ang epekto ng COVID-19 at pananalasa ng tatlong magkakasumod na bagyo sa buong rehiyon 2, ang bagyong Rolly, Siony at Ullyses.


Nakapaloob sa resolusiyon ay ang kahilingan sa lahat ng local na pamahalaan dito sa Isabela kasama na ang mga government offices at malalaking business stablishments sa buong lalawigan na maging sensitibo sa mga isasagawang selebrasyon.

Kailangan umanong makiramdam ang lahat sa pighati ng mga naging biktima ng pandemiya at mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo sa lalawigan.

Ayon kay Vice Governor Dy, naiintindihan niya na likas para sa mga Pilipino ang magsagawa ng magarbong selebrasyon sa kaisipang minsan lang sa isang taon at bilang bahagi na nang nakagawian, ngunit sa panahong ito, sinabi ng bise Gobernador na mas mahalaga ang magpakita ng simpatiya sa mga nasalanta ng kalamidad at maging sa lahat ng naapektuhan ng pandemic tulad ng mga nawalan ng trabaho, nagsarang negosyo at nawalan ng mga mahal sa buhay at iba pa.

Lubos din ang pasasalamat ng LGU Isabela sa lahat ng indibidwat at institusyon na nagbahagi ng tulong sa lahat ng mga survivors ng mga nagdaang bagyo.

Facebook Comments