Mga isasama sa priority list para sa COVID-19 vaccination, tutukuyin ng DSWD

Tutukuyin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga indibidwal na ipaprayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakiusap siya sa mga Local Government Unit (LGU), pribadong sector at sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno na matiyak na magtatagumpay ang immunization program na inaasahang ikakasa sa susunod na buwan.

Ang DSWD ay bahagi ng Task Force on Vaccination Program na target maprotektahan ang mga lahat ng mga Pilipino lalo na ang vulnerable sectors mula sa COVID-19.


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ay kabilang sa unang mabibigyang ng bakuna.

Sa ngayon, aabot a higit 4.3 million 4Ps beneficiaries.

Facebook Comments