Hinimok ni United Nations Chief Antonio Guterres ang mga mamamayan sa Amerika na bawasan ang karahasan habang nagsasagawa ng mga protesta.
Kasunod na rin ito, mas lalo pang lumalang gulo sa naturang bansa bunsod ng pagkamatay ng black American na si George Floyd.
Ayon kay Guterres, hindi naman masama na magsagawa ng mga protesta pero sana ay isagawa ito sa mapayapang paraan na walang masasaktan.
Iginiit din ni Guterres na dapat imbestigahan ng mga otoridad ng US ang nagaganap na karahasan sa mga protesta at bigyan ng human rights training ang mga pulis.
Samantala, umabot na sa 6.2 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, 2.6 milyon dito ang naka-rekober habang 375,526 ang nasawi.
Facebook Comments